Department of Education - Davao City Division - DepEd Davao

Department of Education, Davao City Division
Success Story of Micheal Bautista Tapayan PDF Print E-mail

“Ang ALS ay parang isang SASAKYAN na naghatid sa akin upang makamit ang unang hakbang ng aking Tagumpay”

Ako ay si Michael Bautista Tapayan, Labim-pitong taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Purok 6, New Cogan,Malagos Baguio District, Calinan Davao City. Walo kaming magkakapatid at ako ang pang-anim. Mahirap lang ang aming buhay ngunit kami ay masaya,nagkakaisa at higit sa lahat ay may pag-uunawaan at pagmamahalan. Bata pa lamang ako ay naranasan ko na  medyo mapait ang kalagayan ng aking katawan dahil isa ako sa taong may  (PWD) o person with disability. Matagal  akong natutong lumakad dahil biktima ako sa sakit na tinatawag na JUVUNILE RHEUMATISM ATRITIS, kaya simula pa sa aking pagkabata ay tiniis ko na ang aking kalagayan, hindi ako nakakalakad nang maayos kaya sampung taong gulang na  ako nang gumradweyt sa kinder,labim-limang taong gulang din ng gumradweyt sa elementarya, ako ay nakapagtapos sa tulong ng aking butihinng ina at ibang mga kaklase na nag-aagawan sa pagbuhat sa akin upang matawid ang dadaanang ilog mula sa aming tirahan papunta sa aming paaralan.

altMay mga panahon na gusto ko na ring sumuko sa pag-aaral, nawawalan ng pag-asa dahil sa hin- di maiwasang marinig ang version ng iilang tao na useless lang raw ang aking pag-aaral dahil ganito ako, hindi halos makatayo at makalakad nang maayos na mag-isa ngunit laking galak at pasasalamat ko nang nakaenrol ako sa Alternative Learning System,muling nagkaroon ng kulay ang aking buhay, muling nanumbalik ang lakas ng loob at nagkaroon uli ng tiwala sa aking sarili,ginugunita muli ang mga araw na ako’y nagtapos sa elementarya na may medalya rin sa  likod ng aking naging  kapansanan. Ako’y  nagagalak din lalong lalo na noong nakatanggap ako ng saklay mula sa aming ALS Coordinator/one of my IM ma’am Elizabeth T.Forro, ma’am maraming salamat po, dahil dito kayang kaya ko na ang umakyat at bumaba sa hagdanan na mag-isa ( two storey building kasi ang community learning center namin sa  calinan) nakakainggit at nakakalungkot naman kung ako lang ang maiiwan  palagi sa 1st floor mas bibo kasi ang klase sa itaas ng gusali, iba-iba ang uri at klase ng tao ang tinuturuan dito sa ALS kaya hinding hindi rin matiis ng aking mga Instructional Managers na ako’y naiiwan ng grupo, mas lalo nila akong iniintindi kaya kasama sila sa aking pag-akyat sa hagdanan at higit sa lahat sa aking pagpasa dito sa National ALS Accreditation & Equivalency Test. Hinding hindi ko rin malilimutan ang mga kaibigan kong sina Abel Maasin at Valben Gasao na nagbantay sa akin habang inaakyat ko ang two storey building sa DRANHS noong ako ay kumuha ng Pambansang Pasulit noong Pebrero 1, 2015.

Alam kong mayroon pa akong pag-asa sa buhay lalo pa’t natapos ko na ang basic education, mayroon na akong pag-asa na makaenrol sa TESDA dahil magkakaroon na ako ng High School Diploma, tulay upang makakuha ng skills sa pag-aayos ng cellphone, ito ang isa sa aking mga mithiin sa buhay, ito lang muna ang kaya kong gawin ngayon dahil magagawa ko ito habang nakaupo lang diba? Pero mind you guys! Sa kasalukuyan ako ay enrolled sa Basic Computer Literacy dito sa ALS Community Learning sa Calinan habang naghihintay ako nitong resulta sa exam natin, marami akong pangarap ngunit hinding-hindi ko ito kayang pagsabayin dahil kami ay dukha at may problema pa sa aking pisikal na anyo, ngunit para sa akin ang kahirapan ay hindi hadlang upang maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay ,pagsisikapan ko  para sa ikabubuti  ng aking sitwasyon ngayon,at para narin sa aking mahal na pamilya lalong lalo na sa aking ina na nagsasakripisyo sa akin at sa aking mga kapatid. Naramdaman kong mas mapalad pa rin ako kahit ako ay isang PWD (person with disability) dahil positibo ang pananaw ko sa buhay, hindi ko iniintindi kung anuman ang aking kapansanan  ang tanging hangad ko lamang ay mabigyan sana  ng katuparan ang aking pangarap sa buhay. Mabigyan  at magkaroon sana ako ng tsansa na makakuha at makatapos ng apat na taong kurso o Bachelor’s Degree na tinatawag nila (upang ang suot kong puti na toga ngayon ay mapapalitan ng kulay itim na toga after 4 years from this graduation). Posible ba?

Para sa mga kabataang normal ang pangangatawan, mga kabataan na maagang naging ina o ama, sa mga ate at kuya na kasabay kong nagtatapos ngayon sana gawin nating normal ang takbo ng ating buhay, iyong may mga kakayahan sa estado ng buhay ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aaral upang kolehiyong diploma’y makamtan.Sa mga katulad kong may mga kapansanan hindi tayo mawawalan ng pag-asa, kaya rin nating tumbasan kung anuman ang magagawa at maabot nila. Mas lalo tayong maging positibo lalo na sa mga desisyon na gagawin natin higit sa lahat hindi natin kalimutan ang paghingi ng tulong sa Poong  Maykapal dahil Siya ang kaagapay natin para sa matagumpay na buhay.

altSa aking mga naging guro saludo ako sa inyong lahat, kayo ang humubog sa aking kaalaman at tulay upang high school diploma’y aking makamtan. Sana marami pa kayong matulungang mga kabataan, salamat sa inyong sakripisyo,sa panahon at pasensiya kahit minsan ako ay pabigat sa inyo, (may panahon din kasi na sinasaway ako sa pag akyat-akyat at pagbaba sa hagdanan para uminom lang ng tubig kahit may magbibigay naman sa taas, gusto ko lang talagang makababa). Sa lahat din ng mga Stakeholders,DepEd officials at Key implementers sa programa, ipagpatuloy ninyo ang inyong suporta sa ALS lalo na sa mga humahawak nito.Maraming salamat,at maligayang araw sa lahat ng nagtatapos ngayon. To God be the Glory.

Click Here for more Photos 

 
  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  5 
  •  6 
  •  7 
  •  8 
  •  9 
  •  10 
  •  Next 
  •  End 
  • »


Page 1 of 38
Follow DepEd Davao on FacebookFollow DepEd Davao on Twitter

DepED Davao Webmail Portal  

Vacant Positions

Left direction
Teacher 1
Salary Grade:11 Item Nos.: OSEC-DECSB-TCH1 Elementary:791193-1998,783924-1998 Secondary:790451-1998,750456-2007,750897-2002 ...
Right direction

Philippine Standard Time (PST)

Government Portals

Department of Education of the PhilippinesCivil Service Commission
Commission on Higher EducationDepartment of Budget and Management
Technical Education and Skills Development AuthorityOfficial Gazette - Philippines
Professional Regulation CommissionGovernment Service Insurance System
Department of Science and TechnologyOfficial Website of Davao City
Project NOAH - Nationwide Operational Assessment of Hazards


Login

Translation


Who's Online

mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday208
mod_vvisit_counterYesterday4305
mod_vvisit_counterThis week4513
mod_vvisit_counterLast week41559
mod_vvisit_counterThis month136070
mod_vvisit_counterLast month91340
mod_vvisit_counterAll days1123295

We have: 9 guests, 8 bots online
Your IP: 54.145.15.213
 , 
Today: Aug 31 2015

Library Hub Davao City Books

Hans Christian Andersen

The Little mermaid

The best among Andersen's works is "The Little Mer...

Category: Grade 4 to 6

Neni Sta. Romana Cruz

Why the piña has a hundred eyes

The book contains classic folk tales about the ori...

Category: Grade 4 to 6

Sylvia M. Ventura

The Termite Queen

Ten classic folk tales from the Philippines. There...

Category: Grade 4 to 6

Lin Acacio Flores

The Quarreling Kites

Relive an unforgettable tale of camaraderie, rival...

Category: Grade 4 to 6

Jose Rizal

The monkey and the turtle

The story is about the monkey and the turtle seein...

Category: Grade 4 to 6

You are here  : Home